Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at bumibili kapalit nito ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila kundi ang apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. Al-Baqarah 2:174 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at anumang naroon na katunayan sa katotohanan at pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gaya ng ginagawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano, at ipinagbibili ito sa pamamagitan ng pagtatago nila rito dala ng isang kaunting kapalit gaya ng katungkulan o impluwensiya o yaman, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila sa katunayan kundi ang magiging isang dahilan para pagdusahin sila sa Apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa paraang maiibigan nila, bagkus sa paraang ikasasama nila, at hindi Siya magdadalisay sa kanila ni pupuri sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.