Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo [sa pananampalataya nila] at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala. (177)
Tafsīr
Ang kabutihang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay hindi ang payak na pagharap sa dako ng silangan o kanluran at ang pagsasalitan doon. Subalit ang kabutihan na buong kabutihan ay nasa sinumang sumampalataya kay Allāh bilang nag-iisang Diyos; sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatang pinababa, at sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi; gumugol ng yaman – sa kabila ng pagkaibig dito at pagkasigasig dito – sa mga may pagkakamag-anakan, sa sinumang nawalan ng ama nang mababa sa edad ng pagbibinata (o pagdadalaga), sa mga may pangangailangan, sa estrangherong kinapos sa paglalakbay malayo sa mag-anak niya at bayan niya, sa mga dumanas ng isang pangangailangang nag-oobliga ng panghihingi sa mga tao, at sa pagbayad ng salapi sa pagpapalaya ng alipin mula sa pagkaalipin at pagkabihag; nagpanatili ng dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito nang lubusan ayon sa ipinag-utos ni Allāh; nagbigay ng zakāh na kinakailangan; mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; lalo na sa mga nagtitiis sa karalitaan at kahirapan, karamdaman, at sa sandali ng pakikipaglaban sapagkat hindi sila tumatakas. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga nagpakatotoo kay Allāh sa pananampalataya nila at mga gawain nila. Ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, na mga sumunod sa ipinag-utos sa kanila ni Allāh at umiwas sa sinaway sa kanila ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: