Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 17

مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ الَّذِي اسْتَوْقَدَ نَارًا فَلَمَّا أَضَاءَتْ مَا حَوْلَهُ ذَهَبَ اللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِي ظُلُمَاتٍ لَا يُبْصِرُونَ 17 ١٧

Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si Allāh sa liwanag nila at nag-iwan Siya sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita. (17)

Tafsīr
Gumawa si Allāh para sa mga mapagpaimbabaw na ito ng dalawang paghahalintulad: isang paghahalintulad na pang-apoy at isang paghahalintulad na pantubig. Tungkol sa pang-apoy na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng nagpaningas ng apoy upang ipantanglaw ito ngunit noong nagningning ang liwanag nito at nagpalagay siya na siya ay makikinabang sa tanglaw nito ay naapula naman ito. Kaya naglaho ang taglay nitong pagsinag at natira ang taglay nitong pagsunog. Nananatili sila sa mga kadiliman na hindi nakakikita ng anuman at hindi napapatnubayan sa landas.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba