Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 184)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 184

أَيَّامًا مَعْدُودَاتٍ ۚ فَمَنْ كَانَ مِنْكُمْ مَرِيضًا أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِنْ أَيَّامٍ أُخَرَ ۚ وَعَلَى الَّذِينَ يُطِيقُونَهُ فِدْيَةٌ طَعَامُ مِسْكِينٍ ۖ فَمَنْ تَطَوَّعَ خَيْرًا فَهُوَ خَيْرٌ لَهُ ۚ وَأَنْ تَصُومُوا خَيْرٌ لَكُمْ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 184 ١٨٤

[Mag-ayuno ng] mga araw na bilang; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain sa mga dukha; ngunit ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, ito ay higit na mabuti para sa kanya. Ang mag-ayuno kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. (184)

Tafsīr
Ang pag-aayunong isinatungkulin sa inyo ay na mag-ayuno kayo sa mga araw na kakaunti ng isang taon; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit na isang sakit na humihirap sa kanya ang pag-aayuno o naglalakbay, maaari sa kanya na tumigil-ayuno, pagkatapos kailangan sa kanya na magbayad-ayuno ng kasing dami ng itinigil-ayuno na mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya sa pag-aayuno ay isang pantubos, kapag tumigil-ayuno sila. Ito ay pagpapakain ng isang dukha kapalit sa bawat araw na tumigil-ayuno sila. Ang sinumang nagdagdag sa pagpapakain ng iisang dukha o nagpakain nito kasama ng pag-aayuno, iyon ay higit na mabuti para sa kanya. Ang pag-aayuno ninyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagtigil-ayuno at pagbibigay ng pantubos, kung kayo ay nakaaalam sa taglay ng pag-aayuno na kalamangan. Ang patakarang ito noon ay sa unang [pagkakataong] isinabatas ni Allāh ang pag-aayuno sapagkat noon ang sinumang nagnais ay nag-aayuno at ang sinumang nagnais ay tumitigil-ayuno at nagpapakain. Pagkatapos nagsatungkulin si Allāh ng pag-aayuno matapos niyon at nag-obliga nito sa bawat nasa hustong gulang na nakakakaya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba