Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 186)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 186

وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ ۖ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ ۖ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِي وَلْيُؤْمِنُوا بِي لَعَلَّهُمْ يَرْشُدُونَ 186 ١٨٦

Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan. (186)

Tafsīr
Kapag nagtanong sa iyo, O Propeta, ang mga lingkod Ko tungkol sa lapit Ko at pagsagot Ko sa panalangin nila, tunay na Ako ay malapit sa kanila, na nakaaalam sa mga kalagayan nila, na nakaririnig sa panalangin nila, kaya hindi sila mangangailangan ng mga tagapagpagitna ni ng pagtataas ng mga tinig nila. Tumutugon Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin na nagpapakawagas sa panalangin niya. Kaya magpaakay sila sa Akin at sa mga utos Ko at magpakatatag sila sa pananampalataya nila sapagkat tunay na iyon ay ang pinakakapaki-pakinabang na paraan para sa pagsagot Ko, nang sa gayon sila ay tatahak sa pamamagitan niyon sa landas ng katinuan sa mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba