Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 188)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 188

وَلَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَكُمْ بَيْنَكُمْ بِالْبَاطِلِ وَتُدْلُوا بِهَا إِلَى الْحُكَّامِ لِتَأْكُلُوا فَرِيقًا مِنْ أَمْوَالِ النَّاسِ بِالْإِثْمِ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ 188 ١٨٨

Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa kabulaanan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam. (188)

Tafsīr
Huwag kumuha ang iba sa inyo ng yaman ng iba pa sa inyo sa paraang hindi isinabatas gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pandaraya. Huwag kayong makipag-alitan hinggil sa mga ito sa mga namamahala upang makakuha kayo ng isang pangkatin mula sa mga yaman ng mga tao habang mga nasasangkot sa pagsuway samantalang kayo ay nakaaalam na si Allāh ay nagbawal niyon sapagkat ang paglalakas-loob sa pagkakasala kalakip ng kaalaman ng pagbabawal rito ay higit na matindi sa kapangitan at higit na mabigat sa kaparusahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba