Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 190)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 190

وَقَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ 190 ١٩٠

Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag. (190)

Tafsīr
Makipaglaban kayo – sa paghahangad na mag-angat ng Salita ni Allāh – sa mga kumakalaban sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya upang bumalakid sila sa inyo sa Relihiyon ni Allāh. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagpatay sa mga bata, mga babae, at mga matanda, o sa pamamagitan ng pagluray sa mga patay, at tulad niyon. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa isinabatas Niya at inihatol Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba