Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 190 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 190 sa 286 • Tagalog


وَقَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ 190
Pagsasalin:
Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag. Al-Baqarah 2:190
Tafsīr:
Makipaglaban kayo – sa paghahangad na mag-angat ng Salita ni Allāh – sa mga kumakalaban sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya upang bumalakid sila sa inyo sa Relihiyon ni Allāh. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagpatay sa mga bata, mga babae, at mga matanda, o sa pamamagitan ng pagluray sa mga patay, at tulad niyon. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa isinabatas Niya at inihatol Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 189 Susunod Al-Baqarah • Talata 191