Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 191 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 191 sa 286 • Tagalog


وَاقْتُلُوهُمْ حَيْثُ ثَقِفْتُمُوهُمْ وَأَخْرِجُوهُمْ مِنْ حَيْثُ أَخْرَجُوكُمْ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَشَدُّ مِنَ الْقَتْلِ ۚ وَلَا تُقَاتِلُوهُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَاتِلُوكُمْ فِيهِ ۖ فَإِنْ قَاتَلُوكُمْ فَاقْتُلُوهُمْ ۗ كَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْكَافِرِينَ 191
Pagsasalin:
Patayin ninyo sila [na mga tagalabag] saanman kayo makasumpong sa kanila at palisanin ninyo sila mula saanman sila nagpalisan sa inyo. Ang panliligalig ay higit na matindi kaysa sa pagpatay. Huwag kayong makipaglaban sa kanila sa tabi ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] hanggang sa kumalaban sila sa inyo rito. Ngunit kung nakipaglaban sila sa inyo rito ay patayin ninyo sila. Gayon ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya. Al-Baqarah 2:191
Tafsīr:
Patayin ninyo sila saanman kayo nakatagpo sa kanila at palisanin ninyo sila mula sa pook na nagpalisan sila sa inyo, ang Makkah. Ang panliligalig na nagreresulta ng pagbalakid sa mananampalataya sa relihiyon niya at pagbabalik niya sa kawalang-pananampalataya ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay. Huwag kayong magpasimula sa kanila sa pakikipaglaban sa tabi ng Masjid na Pinakababanal bilang pagdakila dito hanggang sa magpasimula sila sa inyo sa pakikipaglaban dito. Ngunit kung nagpasimula sila sa pakikipaglaban sa Masjid na Pinakababanal ay patayin ninyo sila. Ang tulad ng ganting ito – ang pagpatay sa kanila kapag nangaway sila sa Masjid na Pinakababanal – ay magiging ganti sa mga tagatangging sumampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 190 Susunod Al-Baqarah • Talata 192