Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 193)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 193

وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ لِلَّهِ ۖ فَإِنِ انْتَهَوْا فَلَا عُدْوَانَ إِلَّا عَلَى الظَّالِمِينَ 193 ١٩٣

Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa walang mangyaring panliligalig at ang relihiyon ay sa kay Allāh. Kaya kung tumigil sila ay walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan. (193)

Tafsīr
Makipaglaban kayo sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring pagtatambal mula sa kanila ni pagbalakid sa mga tao sa landas ni Allāh ni kawalang-pananampalataya, at ang relihiyong nangingibabaw ay ang Relihiyon ni Allāh. Kaya kung tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagbalakid nila sa landas ni Allāh, iwan ninyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat tunay na walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba