Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 193 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 193 sa 286 • Tagalog


وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ لِلَّهِ ۖ فَإِنِ انْتَهَوْا فَلَا عُدْوَانَ إِلَّا عَلَى الظَّالِمِينَ 193
Pagsasalin:
Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa walang mangyaring panliligalig at ang relihiyon ay sa kay Allāh. Kaya kung tumigil sila ay walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan. Al-Baqarah 2:193
Tafsīr:
Makipaglaban kayo sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring pagtatambal mula sa kanila ni pagbalakid sa mga tao sa landas ni Allāh ni kawalang-pananampalataya, at ang relihiyong nangingibabaw ay ang Relihiyon ni Allāh. Kaya kung tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagbalakid nila sa landas ni Allāh, iwan ninyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat tunay na walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 192 Susunod Al-Baqarah • Talata 194