Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 194 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 194 sa 286 • Tagalog


الشَّهْرُ الْحَرَامُ بِالشَّهْرِ الْحَرَامِ وَالْحُرُمَاتُ قِصَاصٌ ۚ فَمَنِ اعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ فَاعْتَدُوا عَلَيْهِ بِمِثْلِ مَا اعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ 194
Pagsasalin:
Ang Buwang Pinakababanal ay katumbas ng Buwang Pinakababanal at ang mga paglabag ay [may] ganting-pinsala. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo ay awayin ninyo siya ng tulad ng pangangaway niya sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala. Al-Baqarah 2:194
Tafsīr:
Ang Buwang Pinakababanal, na nagpakaya sa inyo si Allāh dito ng pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng `umrah noong taong 7 AH, ay panumbas sa Buwang Pinakababanal na bumabalakid sa inyo roon ang mga tagapagtambal sa [pagpasok sa] Makkah noong taong 6 AH. Ang mga paglabag – gaya ng paglabag sa Bayang Pinakababanal, Buwang Pinakababanal, at iḥrām – ay ipinatutupad sa mga ito ang ganting-pinsala sa panig ng mga nangangaway. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo sa mga ito ay makitungo kayo sa kanya ng tulad sa gawain niya at huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagtutulad. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Mangamba kayo kay Allāh sa paglampas sa ipinahintulot Niya para sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtutuon at pag-alalay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 193 Susunod Al-Baqarah • Talata 195