Gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh at huwag kayong magbulid sa pamamagitan ng mga kamay ninyo [sa mga sarili] sa kasawian. Gumawa kayo ng maganda; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. Al-Baqarah 2:195 ⧉
Tafsīr:
Gumugol kayo ng salapi sa pagtalima kay Allāh gaya ng pakikibaka at iba pa rito. Huwag kayong magbulid sa mga sarili ninyo sa pagkapahamak sa pamamagitan ng pag-iwan ninyo sa pakikibaka at pagkakaloob alang-alang dito o sa pamamagitan ng pagbulid ninyo sa mga sarili ninyo sa anumang nagiging isang dahilan para sa pagkapahamak ninyo. Magpakahusay kayo sa mga pagsamba ninyo, mga pakikitungo ninyo, at mga kaasalan ninyo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakahusay sa lahat ng mga nauukol sa kanila kaya pinabibigat Niya para sa kanila ang gantimpala at itinutuon Niya sila sa pagkagabay.