Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 194)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 194

الشَّهْرُ الْحَرَامُ بِالشَّهْرِ الْحَرَامِ وَالْحُرُمَاتُ قِصَاصٌ ۚ فَمَنِ اعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ فَاعْتَدُوا عَلَيْهِ بِمِثْلِ مَا اعْتَدَىٰ عَلَيْكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ 194 ١٩٤

Ang Buwang Pinakababanal ay katumbas ng Buwang Pinakababanal at ang mga paglabag ay [may] ganting-pinsala. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo ay awayin ninyo siya ng tulad ng pangangaway niya sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala. (194)

Tafsīr
Ang Buwang Pinakababanal, na nagpakaya sa inyo si Allāh dito ng pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng `umrah noong taong 7 AH, ay panumbas sa Buwang Pinakababanal na bumabalakid sa inyo roon ang mga tagapagtambal sa [pagpasok sa] Makkah noong taong 6 AH. Ang mga paglabag – gaya ng paglabag sa Bayang Pinakababanal, Buwang Pinakababanal, at iḥrām – ay ipinatutupad sa mga ito ang ganting-pinsala sa panig ng mga nangangaway. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo sa mga ito ay makitungo kayo sa kanya ng tulad sa gawain niya at huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagtutulad. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Mangamba kayo kay Allāh sa paglampas sa ipinahintulot Niya para sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtutuon at pag-alalay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba