Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 195)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 195

وَأَنْفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا تُلْقُوا بِأَيْدِيكُمْ إِلَى التَّهْلُكَةِ ۛ وَأَحْسِنُوا ۛ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ 195 ١٩٥

Gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh at huwag kayong magbulid sa pamamagitan ng mga kamay ninyo [sa mga sarili] sa kasawian. Gumawa kayo ng maganda; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. (195)

Tafsīr
Gumugol kayo ng salapi sa pagtalima kay Allāh gaya ng pakikibaka at iba pa rito. Huwag kayong magbulid sa mga sarili ninyo sa pagkapahamak sa pamamagitan ng pag-iwan ninyo sa pakikibaka at pagkakaloob alang-alang dito o sa pamamagitan ng pagbulid ninyo sa mga sarili ninyo sa anumang nagiging isang dahilan para sa pagkapahamak ninyo. Magpakahusay kayo sa mga pagsamba ninyo, mga pakikitungo ninyo, at mga kaasalan ninyo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakahusay sa lahat ng mga nauukol sa kanila kaya pinabibigat Niya para sa kanila ang gantimpala at itinutuon Niya sila sa pagkagabay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba