Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 198)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 198

لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَبْتَغُوا فَضْلًا مِنْ رَبِّكُمْ ۚ فَإِذَا أَفَضْتُمْ مِنْ عَرَفَاتٍ فَاذْكُرُوا اللَّهَ عِنْدَ الْمَشْعَرِ الْحَرَامِ ۖ وَاذْكُرُوهُ كَمَا هَدَاكُمْ وَإِنْ كُنْتُمْ مِنْ قَبْلِهِ لَمِنَ الضَّالِّينَ 198 ١٩٨

Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt ay alalahanin ninyo si Allāh sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw. (198)

Tafsīr
Hindi sa inyo isang kasalanan na maghanap kayo ng panustos na ipinahihintulot sa pamamagitan ng pangangalakal at iba pa rito sa panahon ng pagsasagawa ng ḥajj. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt, matapos ng pagtigil ninyo roon sa araw ng ikasiyam habang mga dumadako sa Muzdalifah sa gabi ng ikasampu ng Dhulḥijjah, ay alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna-llāh), tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh), at pagdalangin sa tabi ng Bantayog na Pinakababanal sa Muzdalifah. Alalahanin ninyo si Allāh dahil sa kapatnubayan Niya sa inyo tungo sa mga palatandaan ng Relihiyon Niya at mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa Bahay Niya sapagkat kayo nga noon bago pa niyon ay kabilang sa mga nalilingat sa Batas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba