Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt ay alalahanin ninyo si Allāh sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw. Al-Baqarah 2:198 ⧉
Tafsīr:
Hindi sa inyo isang kasalanan na maghanap kayo ng panustos na ipinahihintulot sa pamamagitan ng pangangalakal at iba pa rito sa panahon ng pagsasagawa ng ḥajj. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt, matapos ng pagtigil ninyo roon sa araw ng ikasiyam habang mga dumadako sa Muzdalifah sa gabi ng ikasampu ng Dhulḥijjah, ay alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna-llāh), tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh), at pagdalangin sa tabi ng Bantayog na Pinakababanal sa Muzdalifah. Alalahanin ninyo si Allāh dahil sa kapatnubayan Niya sa inyo tungo sa mga palatandaan ng Relihiyon Niya at mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa Bahay Niya sapagkat kayo nga noon bago pa niyon ay kabilang sa mga nalilingat sa Batas Niya.