Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 197 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 197 sa 286 • Tagalog


الْحَجُّ أَشْهُرٌ مَعْلُومَاتٌ ۚ فَمَنْ فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي الْحَجِّ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ ۗ وَتَزَوَّدُوا فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَىٰ ۚ وَاتَّقُونِ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ 197
Pagsasalin:
Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh. Magbaon kayo, saka tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip. Al-Baqarah 2:197
Tafsīr:
Ang panahon ng ḥajj ay mga buwang nalalaman. Nagsisimula ito sa buwan ng Shawwāl at nagwawakas sa ikasampu ng Dhulḥijjah. Kaya ang sinumang nagsatungkulin sa sarili niya ng ḥajj sa mga buwang ito at nagsagawa ng iḥrām dito ay naging bawal sa kanya ang pagtatalik at ang mga paunang gawain nito. Nabibigyang-diin sa panig niya ang pagkabawal sa paglabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway dala ng kadakilaan ng panahon at pook. Ipinagbabawal sa kanya ang pakikipagtalong nagpapahantong sa galit at alitan. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh kaya gaganti Siya sa inyo roon. Magpatulong kayo sa pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng pagkuha ng kakailanganin ninyo na pagkain at inumin. Alamin ninyo na ang pinakamabuti sa pinagpapatulungan ninyo sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo ay ang pangingilag sa pagkakasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya matakot kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya, O mga may matinong pang-unawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 196 Susunod Al-Baqarah • Talata 198