Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 204)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 204

وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُعْجِبُكَ قَوْلُهُ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيُشْهِدُ اللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلْبِهِ وَهُوَ أَلَدُّ الْخِصَامِ 204 ٢٠٤

Mayroon sa mga tao na nagpapahanga sa iyo ang sabi niya hinggil sa buhay na pangmundo at nagpapasaksi siya kay Allāh sa nasa puso niya samantalang siya ay pinakapalaban sa mga kaalitan. (204)

Tafsīr
Mayroon sa mga tao na mapagpaimbabaw na nagpapahanga sa iyo, O Propeta, ang pananalita niya hinggil sa Mundong ito, kaya nakikita mong siya ay maganda ang pananalita hanggang sa talagang maniniwala ka sa katapatan niya at pagpapayo niya ngunit ang pakay niya lamang ay mangalaga sa sarili niya at yaman niya. Nagpapasaksi siya kay Allāh – gayong siya ay sinungaling – sa nasa puso niya na pananampalataya at kabutihan samantalang siya ay matindi ang pakikipag-alitan at ang pangangaway sa mga Muslim.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba