Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 206)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 206

وَإِذَا قِيلَ لَهُ اتَّقِ اللَّهَ أَخَذَتْهُ الْعِزَّةُ بِالْإِثْمِ ۚ فَحَسْبُهُ جَهَنَّمُ ۚ وَلَبِئْسَ الْمِهَادُ 206 ٢٠٦

Kapag sinabi sa kanya: “Mangilag kang magkasala kay Allāh,” tumatangay sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan. Kaya kasapatan sa kanya ang Impiyerno. Talagang kay saklap ang himlayan! (206)

Tafsīr
Kapag sinabi sa tagagulong iyon bilang paraan ng pagpapayo: "Mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggalang sa mga hangganan Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," pinipigilan siya ng paninikis at pagmamalaki sa pagbabalik sa katotohanan at nagpapatuloy siya sa kasalanan. Kaya ang ganting sasapat sa kanya ay ang pagpasok sa Impiyerno. Talagang kay saklap ang pagtitigilan at ang panananatilihan para sa mga maninirahan doon!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba