Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 214)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 214

أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تَدْخُلُوا الْجَنَّةَ وَلَمَّا يَأْتِكُمْ مَثَلُ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ ۖ مَسَّتْهُمُ الْبَأْسَاءُ وَالضَّرَّاءُ وَزُلْزِلُوا حَتَّىٰ يَقُولَ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ مَتَىٰ نَصْرُ اللَّهِ ۗ أَلَا إِنَّ نَصْرَ اللَّهِ قَرِيبٌ 214 ٢١٤

O nag-aakala ba kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa dumating sa inyo ang tulad ng sa mga lumipas bago pa ninyo? Sumaling sa kanila ang kadahupan at ang kariwaraan. Niyanig sila hanggang sa magsabi ang sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya: “Kailan ang pag-aadya ni Allāh?” Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit na! (214)

Tafsīr
O nagpapalagay ba kayo, O mga mananampalataya, na papasok kayo sa Paraiso samantalang walang dumapo sa inyo na isang pagsubok tulad ng pagsubok sa mga lumipas bago pa ninyo, yayamang dumapo sa kanila ang katindihan ng karukhaan at sakit at yumanig sa kanila ang mga pangamba hanggang sa nagpaabot sa kanila ang pagsubok sa pagmamadali sa pag-aadya ni Allāh? Kaya nagsasabi ang sugo at ang mga mananampalataya kasama niya: "Kailan darating ang pag-aadya ni Allāh?" Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit sa mga mananampalataya sa Kanya, na mga nananalig sa Kanya!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba