Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 214 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 214 sa 286 • Tagalog


أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تَدْخُلُوا الْجَنَّةَ وَلَمَّا يَأْتِكُمْ مَثَلُ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ ۖ مَسَّتْهُمُ الْبَأْسَاءُ وَالضَّرَّاءُ وَزُلْزِلُوا حَتَّىٰ يَقُولَ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ مَتَىٰ نَصْرُ اللَّهِ ۗ أَلَا إِنَّ نَصْرَ اللَّهِ قَرِيبٌ 214
Pagsasalin:
O nag-aakala ba kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa dumating sa inyo ang tulad ng sa mga lumipas bago pa ninyo? Sumaling sa kanila ang kadahupan at ang kariwaraan. Niyanig sila hanggang sa magsabi ang sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya: “Kailan ang pag-aadya ni Allāh?” Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit na! Al-Baqarah 2:214
Tafsīr:
O nagpapalagay ba kayo, O mga mananampalataya, na papasok kayo sa Paraiso samantalang walang dumapo sa inyo na isang pagsubok tulad ng pagsubok sa mga lumipas bago pa ninyo, yayamang dumapo sa kanila ang katindihan ng karukhaan at sakit at yumanig sa kanila ang mga pangamba hanggang sa nagpaabot sa kanila ang pagsubok sa pagmamadali sa pag-aadya ni Allāh? Kaya nagsasabi ang sugo at ang mga mananampalataya kasama niya: "Kailan darating ang pag-aadya ni Allāh?" Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit sa mga mananampalataya sa Kanya, na mga nananalig sa Kanya!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 213 Susunod Al-Baqarah • Talata 215