Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 215 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 215 sa 286 • Tagalog


يَسْأَلُونَكَ مَاذَا يُنْفِقُونَ ۖ قُلْ مَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ خَيْرٍ فَلِلْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ بِهِ عَلِيمٌ 215
Pagsasalin:
Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang gugugulin nila. Sabihin mo: “Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan ay ukol sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at kinapos sa daan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh dito ay Maalam. Al-Baqarah 2:215
Tafsīr:
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, kung ano ang gugugulin nila mula sa mga yaman nilang sarisari at kung saan nila ilalagay ang mga ito? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan – ang ipinahihintulot na kaaya-aya – ay ibinabaling sa mga magulang, sa pinakamalapit sa inyo kabilang sa mga kaanak ninyo alinsunod sa pangangailangan, sa nangangailangan kabilang sa mga ulila, sa mga walang-wala na walang taglay na salapi, at sa naglalakbay na iwinalay ng paglalakbay sa mag-anak nito at bayan nito." Ang anumang ginagawa ninyo, O mga mananampalataya, na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na si Allāh dito ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman, at gaganti sa inyo rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 214 Susunod Al-Baqarah • Talata 216