Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 213 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 213 sa 286 • Tagalog


كَانَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً فَبَعَثَ اللَّهُ النَّبِيِّينَ مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ وَأَنْزَلَ مَعَهُمُ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ لِيَحْكُمَ بَيْنَ النَّاسِ فِيمَا اخْتَلَفُوا فِيهِ ۚ وَمَا اخْتَلَفَ فِيهِ إِلَّا الَّذِينَ أُوتُوهُ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۖ فَهَدَى اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا لِمَا اخْتَلَفُوا فِيهِ مِنَ الْحَقِّ بِإِذْنِهِ ۗ وَاللَّهُ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 213
Pagsasalin:
Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, saka nagpadala si Allāh ng mga propeta bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon. Walang nagkaiba-iba hinggil doon kundi ang mga binigyan nito matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay dala ng paglabag sa pagitan nila, ngunit nagpatnubay si Allāh sa mga sumampalataya para sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon na katotohanan ayon sa pahintulot Niya. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid. Al-Baqarah 2:213
Tafsīr:
Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa na mga nagkakasundo sa patnubay sa relihiyon ng ama nilang si Adan hanggang sa nagligaw sa kanila ang mga demonyo kaya nagkaiba-iba sila sa pagiging mananampalataya at tagatangging sumampalataya. Kaya dahil doon, nagpadala si Allāh ng mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng inihanda Niya para sa kanila na awa Niya, at bilang mga tagapagbabala sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya ng ibinanta Niya para sa kanila na matindi sa parusa Niya. Nagpababa Siya kasama ng mga sugo Niya ng mga kasulatan bilang naglalaman ng katotohanang walang duda roon upang humatol sila sa pagitan ng mga tao sa anumang ipinagkaiba-iba ng mga ito. Walang nagkaiba-iba hinggil sa Kasulatan na pinababa ni Allāh, ang Torah, kundi ang mga binigyan ng kaalaman doon kabilang sa mga Hudyo matapos dumating sa kanila ang mga katwiran ni Allāh, na ito ay isang katotohanan mula sa ganang Kanya, na hindi maaari sa kanila ang pagkakaiba-iba hinggil dito dala ng kawalang-katarungan mula sa kanila. Nagtuon si Allāh sa mga mananampalataya sa pagkakilala ng patnubay palayo sa pagkaligaw ayon sa pahintulot Niya at pagnanais Niya. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid na walang kabaluktutan doon. Ito ay ang daan ng pananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 212 Susunod Al-Baqarah • Talata 214