Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 215)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 215

يَسْأَلُونَكَ مَاذَا يُنْفِقُونَ ۖ قُلْ مَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ خَيْرٍ فَلِلْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ بِهِ عَلِيمٌ 215 ٢١٥

Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang gugugulin nila. Sabihin mo: “Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan ay ukol sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at kinapos sa daan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh dito ay Maalam. (215)

Tafsīr
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, kung ano ang gugugulin nila mula sa mga yaman nilang sarisari at kung saan nila ilalagay ang mga ito? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang anumang gugugulin ninyo na kabutihan – ang ipinahihintulot na kaaya-aya – ay ibinabaling sa mga magulang, sa pinakamalapit sa inyo kabilang sa mga kaanak ninyo alinsunod sa pangangailangan, sa nangangailangan kabilang sa mga ulila, sa mga walang-wala na walang taglay na salapi, at sa naglalakbay na iwinalay ng paglalakbay sa mag-anak nito at bayan nito." Ang anumang ginagawa ninyo, O mga mananampalataya, na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na si Allāh dito ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman, at gaganti sa inyo rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba