Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 218)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 218

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ يَرْجُونَ رَحْمَتَ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 218 ٢١٨

Tunay na ang mga sumampalataya at ang mga lumikas at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay nag-aasam ng awa ni Allāh. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (218)

Tafsīr
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at ang mga nag-iwan ng mga bayan nila bilang mga lumilikas patungo kay Allāh at sa Sugo Niya at nakipaglaban upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, ang mga iyon ay nagmimithi sa awa ni Allāh at kapatawaran Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba