Tunay na ang mga sumampalataya at ang mga lumikas at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, ang mga iyon ay nag-aasam ng awa ni Allāh. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Baqarah 2:218 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at ang mga nag-iwan ng mga bayan nila bilang mga lumilikas patungo kay Allāh at sa Sugo Niya at nakipaglaban upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, ang mga iyon ay nagmimithi sa awa ni Allāh at kapatawaran Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.