Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 217 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 217 sa 286 • Tagalog


يَسْأَلُونَكَ عَنِ الشَّهْرِ الْحَرَامِ قِتَالٍ فِيهِ ۖ قُلْ قِتَالٌ فِيهِ كَبِيرٌ ۖ وَصَدٌّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَكُفْرٌ بِهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَإِخْرَاجُ أَهْلِهِ مِنْهُ أَكْبَرُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَكْبَرُ مِنَ الْقَتْلِ ۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَاتِلُونَكُمْ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمْ عَنْ دِينِكُمْ إِنِ اسْتَطَاعُوا ۚ وَمَنْ يَرْتَدِدْ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَيَمُتْ وَهُوَ كَافِرٌ فَأُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 217
Pagsasalin:
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Buwang Pinakababanal: sa pakikipaglaban dito. Sabihin mo: “Ang isang pakikipaglaban dito ay isang malaking [kasalanan] samantalang ang isang pagsagabal sa landas ni Allāh, ang isang kawalang-pananampalataya sa Kanya, [ang isang paghadlang] sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal, at ang isang pagpapalayas sa mga naninirahan [malapit] dito ay higit na malaking [kasalanan] sa ganang kay Allāh. Ang panliligalig [ng pagtatambal] ay higit na malaking [kasalanan] kaysa sa pagpatay. Hindi sila titigil na kumakalaban sa inyo hanggang sa magpatalikod sila sa inyo palayo sa relihiyon ninyo kung makakakaya sila. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya at namatay habang siya ay isang tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:217
Tafsīr:
Nagtatanong sa iyo ang mga tao, O Propeta, tungkol sa hatol sa pakikipaglaban sa mga Buwang Pinakababanal: ang Dhul qa`dah, ang Dhul ḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pakikipaglaban sa mga buwang ito ay mabigat sa ganang kay Allāh at minamasama kung paanong ang isinasagawa ng mga tagapagtambal dito na pagbalakid sa landas ni Allāh ay minamasagwa gaya niyon. Ang pagpigil sa mga mananampalataya sa Masjid na Pinakababanal at ang pagpapalayas sa mga naninirahan malapit sa Masjid na Pinakababanal mula roon ay higit na mabigat sa ganang kay Allāh kaysa sa pakikipaglaban sa Buwang Pinakababanal. Ang Shirk na taglay nila ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay." Hindi titigil ang mga tagapagtambal sa kawalang-katarungan nila habang kumakalaban sa inyo, O mga mananampalataya, hanggang sa magpatalikod sila sa inyo sa relihiyon ninyong totoo patungo sa relihiyon nilang bulaan kung may makakaya silang paraan doon. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa Relihiyon niya at namatay habang siya ay nasa kawalang-pananampalataya kay Allāh, napawalang-saysay nga ang gawa niyang maayos. Ang kauuwian niya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Impiyerno at ang pamamalagi roon magpakailanman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 216 Susunod Al-Baqarah • Talata 218