Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ukol sa mga nanunumpang tatangging makipagtalik sa mga maybahay nila ay pag-antabay ng apat na buwan; ngunit kung bumalik sila [sa dati], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (226)
Tafsīr
Ukol sa mga nanunumpa ng pagtigil sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila ay paghihintay sa isang yugtong hindi lalabis sa apat na buwan magmula ng panunumpa nila. Ito ay ang kilala sa tawag na īlā'. Ngunit kung bumalik sila sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila matapos ng panunumpa nila ng pagtigil doon sa yugto ng apat na buwan o mababa pa, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad: nagpapatawad sa kanila sa nangyari sa kanila, Maawain sa kanila yayamang nagsabatas Siya ng bayad-sala na nagpapalabas mula sa panunumpang ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: