Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 22

الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ فِرَاشًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ فَلَا تَجْعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ 22 ٢٢

na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam [na walang Tagalikha kundi si Allāh]. (22)

Tafsīr
Sapagkat Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang banig na nakalatag at gumawa ng langit mula sa ibabaw nito na tinibayan ang pagkakapatayo at Siya ang Tagabiyaya sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan kaya nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng sarisaring bunga mula sa lupa upang maging panustos. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga katambal at mga itinutulad habang kayo ay nakaaalam na walang tagalikha kundi si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba