Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 240)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 240

وَالَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنْكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَاجًا وَصِيَّةً لِأَزْوَاجِهِمْ مَتَاعًا إِلَى الْحَوْلِ غَيْرَ إِخْرَاجٍ ۚ فَإِنْ خَرَجْنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِي مَا فَعَلْنَ فِي أَنْفُسِهِنَّ مِنْ مَعْرُوفٍ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 240 ٢٤٠

Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay ay [mag-iiwan ng] isang tagubilin para sa mga maybahay nila na isang sustento hanggang sa buong taon nang walang pagpapalisan [sa kanila mula sa namatay na asawa], ngunit kung lumisan sila ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na nakabubuti. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (240)

Tafsīr
Ang mga mamamatay kabilang sa inyo at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay, kailangan sa kanila na magtagubilin para sa mga ito na pagtamasain ang mga ito ng matitirahan at panggugol sa isang buong taon. Hindi magpapalisan sa kanila ang mga tagapagmana ninyo bilang pag-aaliw sa kanila dahil sa dinanas nila at bilang katapatan sa namatay; ngunit kung lumisan sila bago ng pagkakumpleto ng taon ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila ay walang kasalanan sa inyo ni sa kanila sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na paggagayak at pagpapabango. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang tagapanaig sa Kanya, Marunong sa pangangasiwa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya. Bukod pa rito, naniwala ang mayoriya sa mga tagapaglinaw [ng Qur'ān] na ang kahatulan ng talatang ito ay pinawalang-bisa ng sabi Niya – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān: __AYAH_REF_2_234__): "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw]."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba