Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay ay [mag-iiwan ng] isang tagubilin para sa mga maybahay nila na isang sustento hanggang sa buong taon nang walang pagpapalisan [sa kanila mula sa namatay na asawa], ngunit kung lumisan sila ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na nakabubuti. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Al-Baqarah 2:240 ⧉