Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 241 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 241 sa 286 • Tagalog


وَلِلْمُطَلَّقَاتِ مَتَاعٌ بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُتَّقِينَ 241
Pagsasalin:
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagapangilag magkasala. Al-Baqarah 2:241
Tafsīr:
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento na tatamasain nila gaya ng pananamit o salapi o iba pa roon bilang pag-aaliw sa mga damdamin nilang nawasak dahil sa diborsiyo at sang-ayon sa nakabubuti na pagsasaalang-alang sa kalagayan ng asawa ayon sa kasalatan at kasaganaan. Ang kahatulang ito ay tungkuling napagtibay sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 240 Susunod Al-Baqarah • Talata 242