Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 261)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 261

مَثَلُ الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنْبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنْبُلَةٍ مِائَةُ حَبَّةٍ ۗ وَاللَّهُ يُضَاعِفُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 261 ٢٦١

Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay gaya ng paghahalintulad sa isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. (261)

Tafsīr
Ang paghahalintulad sa gantimpala sa mga mananampalataya na mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na inilalagay ng magsasaka sa lupang kaaya-aya at nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso mula rito ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo ng gantimpala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat nagbibigay Siya sa kanila ng pabuya nila nang walang pagtutuos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang pagbibigay, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa pagpapaibayo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba