Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang anumang ginugol ninyo na gugulin o ipinanata ninyo na panata, tunay na si Allāh ay nakaaalam nito. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mga tagaadya. (270)
Tafsīr
Ang anumang ginugol ninyo na guguling kaunti man o marami sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh o pinanindigan ninyo na paggawa ng pagtalima para kay Allāh mula sa ganang sarili ninyo na hindi naman inaatang sa inyo, tunay na si Allāh ay nakaaalam niyon sa kabuuan niyon, kaya walang nawawala sa ganang Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo dahil doon ng pinakamabigat na ganti. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan, na mga pumipigil sa isinasatungkulin sa kanila, na mga lumalabag sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagaadya na magtatanggol sa kanila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: