Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nasa iyo ang pagpatnubay sa kanila, subalit si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay ukol sa mga sarili ninyo. Hindi kayo gumugugol malibang sa paghahangad [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan. (272)
Tafsīr
Hindi nasa iyo, O Propeta, ang kapatnubayan nila para sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapaakay rito, at pagdala sa kanila rito. Ang isinasatungkulin lamang sa iyo ay ang paggabay sa kanila sa katotohanan at ang pagpapakilala sa kanila rito. Tunay na ang pagtutuon sa katotohanan at ang kapatnubayan tungo rito ay nasa kamay ni Allāh. Siya ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, ang pakinabang nito ay manunumbalik sa inyo dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan dito. Ang paggugol ninyo ay maging wagas na inuukol kay Allāh sapagkat ang mananampalataya, sa totoo, ay hindi gumugugol malibang dala ng paghahanap ng kaluguran ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na kayo ay bibigyan ng gantimpala rito nang lubos na hindi kinukulangan sapagkat tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa isa man.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: