Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga gumugugol ng mga yaman nila sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. (274)
Tafsīr
Ang mga gumugugol ng mga yaman nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan nang walang pagpapakita at pagpaparinig ay ukol sa kanila ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila mula sa nauukol sa kanila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa Mundo, bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: