Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pumupuksa si Allāh sa patubo at nagpapalago Siya sa [gantimpala sa] mga kawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya na makasalanan. (276)
Tafsīr
Pumupuksa si Allāh ng salaping galing sa patubo at nag-aalis Siya nito, sa pisikal na kahulugan sa pamamagitan ng pagsira rito at tulad niyon, o sa espirituwal na kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalis ng biyaya mula rito. Nagdaragdag Siya sa mga kawanggawa at nagpapalago Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iibayo sa gantimpala sa mga ito sapagkat ang magandang gawa ay may ganting sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Nagpapala Siya sa mga yaman ng mga nagkakawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mapagmatigas na tagatangging sumampalataya, na nagtuturing ng pagpapahintulot sa ipinagbabawal, na nagpupumilit sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: