Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit kung hindi ninyo ginawa [ang utos sa inyo], tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan. (279)
Tafsīr
Ngunit kung hindi kayo gumawa sa ipinag-utos sa inyo, alamin ninyo at tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo kay Allāh at umiiwan kayo sa patubo ay ukol sa inyo ang halaga ng ipinautang ninyo mula sa puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagkuha ng labis sa puhunan ng salapi inyo at hindi kayo lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas mula sa puhunan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: