Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya [mula sa Qur’ān] mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] “Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya.” Nagsabi sila: “Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.” (285)
Tafsīr
Sumampalataya ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa lahat ng pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya, at ang mga mananampalataya ay sumampalataya sa gayon. Lahat sila ay sama-samang sumampalataya kay Allāh, sumampalataya sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatan Niyang pinababa Niya sa mga propeta, at sa lahat ng mga sugong isinugo Niya. Sumampalataya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo ni Allāh." Nagsabi pa sila: "Nakarinig kami ng ipinag-utos Mo sa amin at sinaway Mo sa amin. Tumalima kami sa Iyo sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Mo at pag-iwan sa sinaway Mo. Humihiling kami sa Iyo na magpatawad Ka sa amin, O Panginoon namin, sapagkat tunay na ang babalikan namin ay tungo sa Iyo lamang sa lahat ng pumapatungkol sa amin."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: