Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 28

كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 28 ٢٨

Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]. (28)

Tafsīr
Tunay na ang lagay ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, ay talagang kataka-taka! Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi sa mga patunay sa kakayahan Niya sa mga sarili ninyo. Kayo nga noon ay wala, hindi umiiral, ngunit bumuo Siya sa inyo at nagbigay-buhay Siya sa inyo. Pagkatapos Siya ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa ikalawang pagkamatay. Pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo sa ikalawang buhay. Pagkatapos magpapabalik Siya sa inyo tungo sa Kanya upang tumuos Siya sa inyo sa mga [gawang] ipinauna ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba