Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi Sila: “Kaluwalhatian sa Iyo [O Allāh]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.” (32)
Tafsīr
Nagsabi sila, habang umaamin sa kakulangan nila samantalang nagbabalik ng kalamangan kay Allāh: "Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo at dumadakila kami sa Iyo, O Panginoon Namin, palayo sa pagtutol sa kahatulan Mo at batas Mo. Kami ay hindi nakaaalam ng anuman maliban sa itinustos Mo sa amin ang kaalaman nito. Tunay na Ikaw ay ang Maalam na walang nakakukubli sa Iyo na anuman, ang Marunong na naglalagay ng mga bagay-bagay sa mga kinalalagyan ng mga ito mula sa kapangyarihan Mo at batas Mo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: