Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 32 sa 286 • Tagalog


قَالُوا سُبْحَانَكَ لَا عِلْمَ لَنَا إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ 32
Pagsasalin:
Nagsabi Sila: “Kaluwalhatian sa Iyo [O Allāh]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.” Al-Baqarah 2:32
Tafsīr:
Nagsabi sila, habang umaamin sa kakulangan nila samantalang nagbabalik ng kalamangan kay Allāh: "Nagpapawalang-kapintasan kami sa Iyo at dumadakila kami sa Iyo, O Panginoon Namin, palayo sa pagtutol sa kahatulan Mo at batas Mo. Kami ay hindi nakaaalam ng anuman maliban sa itinustos Mo sa amin ang kaalaman nito. Tunay na Ikaw ay ang Maalam na walang nakakukubli sa Iyo na anuman, ang Marunong na naglalagay ng mga bagay-bagay sa mga kinalalagyan ng mga ito mula sa kapangyarihan Mo at batas Mo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 31 Susunod Al-Baqarah • Talata 33