Surah Al-Ḥajj (Ang Hajj (Pilgrimahe) — الحج) (Talata 48)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




22 Al-Ḥajj(الحج), Talata 48

وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَيَّ الْمَصِيرُ 48 ٤٨

Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan. (48)

Tafsīr
Anong dami ng mga pamayanan na nagpalugit Ako sa mga ito sa [pagdulot ng] pagdurusa samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito. Hindi Ako nakipagmadalian sa mga ito [sa pagdulot ng pagdurusa] bilang pagpapain para sa mga ito. Pagkatapos dumaklot Ako sa mga ito sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa. Tungo sa Akin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon, kaya gaganti Ako sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila ng pagdurusang namamalagi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba