Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 34

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَىٰ وَاسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ 34 ٣٤

[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan];” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. (34)

Tafsīr
Naglilinaw si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nag-utos sa mga anghel na magpatirapa kay Adan nang pagpapatirapa ng paggalang. Nagpatirapa naman sila habang mga nagmamadali sa pagsunod sa utos ni Allāh, maliban sa nangyari kay Satanas na kabilang sa mga jinn. Tumanggi ito dala ng pagtutol sa utos ni Allāh dito na magpatirapa at dala ng pagpapakamalaki kay Adan, kaya dahil doon ito ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba