Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko [mula sa Qur’ān] ng isang kaunting panumbas. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala. (41)
Tafsīr
Sumampalataya kayo sa Qur'ān na pinababa Ko kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na sumasang-ayon sa nasaad sa Torah bago ng pagpilipit nito kaugnay sa pumapatungkol sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya. Mag-ingat kayo na kayo ay maging unang pangkat na tatangging sumampalataya sa kanya. Huwag kayong magpalit sa mga tanda Ko na pinababa Ko sa inyo sa isang halagang kaunti gaya ng reputasyon at katungkulan. Mangilag kayo sa galit Ko at pagdurusang dulot Ko.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: