Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 41 sa 286 • Tagalog


وَآمِنُوا بِمَا أَنْزَلْتُ مُصَدِّقًا لِمَا مَعَكُمْ وَلَا تَكُونُوا أَوَّلَ كَافِرٍ بِهِ ۖ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا وَإِيَّايَ فَاتَّقُونِ 41
Pagsasalin:
Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko [mula sa Qur’ān] ng isang kaunting panumbas. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala. Al-Baqarah 2:41
Tafsīr:
Sumampalataya kayo sa Qur'ān na pinababa Ko kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na sumasang-ayon sa nasaad sa Torah bago ng pagpilipit nito kaugnay sa pumapatungkol sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya. Mag-ingat kayo na kayo ay maging unang pangkat na tatangging sumampalataya sa kanya. Huwag kayong magpalit sa mga tanda Ko na pinababa Ko sa inyo sa isang halagang kaunti gaya ng reputasyon at katungkulan. Mangilag kayo sa galit Ko at pagdurusang dulot Ko.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 40 Susunod Al-Baqarah • Talata 42