Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 10)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naglagay Siya rito ng mga matatag na bundok mula sa ibabaw nito. Nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga makakain dito sa [pagkalubos ng] apat na araw nang magkapantay para sa mga nagtatanong. (10)
Tafsīr
Naglagay Siya rito ng mga bundok na nakapirmi mula sa ibabaw nito, na nagpapapirmi sa mga ito upang hindi yumanig ang mga ito, at nagpala Siya sa mga ito, saka gumawa Siya sa mga ito bilang palagian sa kabutihan para sa mga naninirahan sa mga ito at nagtakda Siya sa mga ito ng mga makakain ng mga tao at mga hayop sa apat na araw bilang paglulubos sa dalawang araw na nauna: ang araw ng Martes at ang araw ng Miyerkules, nang magkapantay para sa sinumang nagnais na magtanong tungkol sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: