Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 10 sa 54 • Tagalog


وَجَعَلَ فِيهَا رَوَاسِيَ مِنْ فَوْقِهَا وَبَارَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَا أَقْوَاتَهَا فِي أَرْبَعَةِ أَيَّامٍ سَوَاءً لِلسَّائِلِينَ 10
Pagsasalin:
Naglagay Siya rito ng mga matatag na bundok mula sa ibabaw nito. Nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga makakain dito sa [pagkalubos ng] apat na araw nang magkapantay para sa mga nagtatanong. Fuṣṣilat 41:10
Tafsīr:
Naglagay Siya rito ng mga bundok na nakapirmi mula sa ibabaw nito, na nagpapapirmi sa mga ito upang hindi yumanig ang mga ito, at nagpala Siya sa mga ito, saka gumawa Siya sa mga ito bilang palagian sa kabutihan para sa mga naninirahan sa mga ito at nagtakda Siya sa mga ito ng mga makakain ng mga tao at mga hayop sa apat na araw bilang paglulubos sa dalawang araw na nauna: ang araw ng Martes at ang araw ng Miyerkules, nang magkapantay para sa sinumang nagnais na magtanong tungkol sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 9 Susunod Fuṣṣilat • Talata 11