Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 11 sa 54 • Tagalog


ثُمَّ اسْتَوَىٰ إِلَى السَّمَاءِ وَهِيَ دُخَانٌ فَقَالَ لَهَا وَلِلْأَرْضِ ائْتِيَا طَوْعًا أَوْ كَرْهًا قَالَتَا أَتَيْنَا طَائِعِينَ 11
Pagsasalin:
Pagkatapos bumaling Siya sa langit habang ito ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: “Pumunta kayong dalawa sa pagtalima o sapilitan.” Nagsabi silang dalawa: “Pupunta kami na mga tumatalima.” Fuṣṣilat 41:11
Tafsīr:
Pagkatapos nagsadya Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa paglikha ng langit habang ito sa araw na iyon ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: "Magpaakay kayo sa utos Ko bilang mga nagkukusang-loob o mga napipilitan; walang paglihis para sa inyong dalawa palayo roon." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima sapagkat walang pagnanais para sa amin higit sa pagnanais Mo, O Panginoon namin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 10 Susunod Fuṣṣilat • Talata 12